Ang pagbobomba.

Ako’y dumating sa ER kaninang umaga

At sa isang sulok may batang kawawa.

Ang kanyang ina ay nangangamba

At unti-unting nawawalan ng pag-asa.

 

“Ate kamusta po kayo?”

“Okay lang.” sagot niya kahit papano.

Pagkatapos ng rounds, “Sir, pa-bag naman.” sabi ng residente,

At ako naman ay wala nang nasabi.

 

Naku patay tayo!

Ang dami namang trabaho ang mababacklog ko.

Sapagkat ang oras ko ay magagamit sa pagbobomba,

At ang procs at monitoring ko ay mapapabayaan nang sobra.

 

Pero noong kinuha ko ang bomba sa kamay ng kanyang ina,

Siya ay tuwang tuwa at siya ay nakapagpahinga.

“Salamat Dok.” ang unang buka ng kanyang bibig

At sa akin siya ay nakatitig.

 

“Walang anuman.” lang ang aking nasabi,

At siya ay umupo sa aking tabi.

Sa aming pag-uusap, aking natuklasan na siya ay single mother.

Dito na ako sobrang na-bother.

 

Hindi niya na daw alam kung ano pa ang gagawin,

At sobrang pagod niya na at hindi pa nakakain.

“Sige kami na muna dito, pahinga kana.”

Pero ayaw niya na ang kanyang anak ay walang kasama.

 

Grabe talaga ang pagmamahal ng ina,

Damang dama ko sa aking nakita.

Dahil dito aking na-alala,

Ang rason kung bakit ako naging doktor sa simula.

 

Andito tayo dahil gusto nating tumulong sa mga may sakit at nangangailangan,

Kahit sa mga maliliit lang na paraan.

Ugaliin sanan nating mahalin ang ating obra

Kahit ito ay ang napakasimpleng pagbobomba.

 

Ang bomba.

Ang bomba.

 

 

Advertisements

One thought on “Ang pagbobomba.

  1. medyo masakit sa kamay mag-ambu bag lalo na wala kang ka-sub sa buong 8 hour shift, nakakapagod din lalo na’t marami pang procedures ang kelangan iperform para sa patient…
    i was a student nurse when i had several experiences like this.
    isa sa mga di ko malilimutang experience eh doon sa 8 yr old na bata na na-assign sa akin sa SICU… nasagasaan ng 2 sasakyan.. wala pa siyang parents so ang nagbabantay sa kanya eh pinsan nia kadalasan minsan eh ung tita nia… ako na mismo nag-offer na ako na lang mag-ambu bag para naman makatulog na ung pinsang nia at maka-kain para may energy sia after ng duty namin dahil siya ulit magba-bag ..
    maganda sana kung may kasama kang student nurse din na naka-assign sa patient pero maraming patient, hndi lang sa sicu maski sa surgical ward kaya busy lahat… in my case, buti na lang may friend ako na nasa ward na pumupunta sa sicu para isub akong mag-bag para makakuha ako ng v/s, gcs, makapag-suction ako kung kelangan, mamonitor ko yung tpn nung bata, mag-log roll, magbigay ng meds.. naisip ko nga naasaan mga staff nurse dati eh.. pero kahit papano after nung 2 week shift namin nag-improve ung health nung bata at nakita na namin siang conscious.. from gcs 6 to 15

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s