Liham Para sa Isang (Bagong) Residente

Dear “walang-kwentang, walang-alam na Resident” Self,

Hello.

Kumusta na?
Pagod na pagod ka na?
Titigil ka na ba?

Mas madaling sumuko. Mas madaling talikuran ang mga pagsubok at mga bunganga ng mga taong palagi na lang galit sa iyo na parang wala ka nang nagawang tama (o mga taong akala nila ay palagi na lang sila ay tama).

Pero ang tanong…
Magiging masaya ka ba pag matanda ka na at naalala mo na minsan ikaw ay naging residente sa isa sa pinakamagaling na ospital sa bansa pero tumigil ka dahil napagod ka?

Pahinga ang sagot sa pagod, hindi pagtigil.

Sapagka’t saan man at ano man ang iyong propesyon, kung ginagawa mo ang lahat nang maayos at binibigay mo ang iyong “best” sa mga ginagawa mo, nakakapagod talaga.

Balang araw, matatandaan mo ang lahat ng iyong pinagdaanan -lahat ng pagod, luha, galit, at saya na iyong naranasan bilang isang residente, at iyong mare-realize na lahat ng ito ay kailangan mong maranasan bilang parte ng proseso sa paghubog sa iyo hindi lang para ikaw ay maging isang magaling na doktor, kundi para maging isang makabuluhang doktor na may malasakit at pagmamahal sa kapwa. 

Okay lang mapagod, sapagkat kung ang kapaguran na pinagdadaanan natin ay nakakapangiti at nakakabuhay sa ibang tao, mas pipiliin kong mapagod habang buhay.

Palagi mong tandaan, hindi ka nag-iisa. May seniors ka at consultants sa likod mo, at may Diyos sa itaas. Hinding hindi ka nila pababayaan.

 

Remember the prayer you once wrote…

1173662_1567600570132793_1666252788_n

 

Nagmamahal,

Your Future “Consultant” Self