Papasa ka.

Isang linggo na lang.

Isang linggo na lang bago ka kumuha ng pinaka-importanteng pagsubok sa iyong buhay.

Isang linggo na lang bago ka magiging ganap na Filipinong doktor -doktor na Filipino, para sa mga Filipino.

 

Huwag kang kabahan.

Huwag kang kabahan sapagka’t pinaghandaan mo ang pagsusulit na ito nang limang taon.

Simula noong una mong makilala si Gray, si Guyton, si Bates, si Katzung, at si Harper noong first year..

At nang sinubukan mong mahalin nang buong buo si Robbin noong second year.. kahit minsan ayaw niya sa iyo, binibigay mo pa rin ang lahat…

At nang ginabayan ka nina Harrison, Schwartz, Nelson, at ni William noong third year hanggang naging intern ka.

Kasama na dun ang iyong mga guro, mga seniors, mga residente, mga manong at manang sa ospital, at ang pinakamahalagang tumuro sa’yo sa iyong “hospital exposures” -ang iyong mga pasyente. 

Kaya’t huwag kang kabahan. Apat na araw lang ang pagsusulit. Limang taon kang naghanda. 

 

Magpasalamat.

Magpasalamat dahil sa libu-libong taong gustong maging doktor, ikaw ay nabigyan ng pagkakataong makapasa sa medikal skul at makapagtapos ng internsip. Magpasalamat dahil hindi lahat ng nagsimula ay nakapagtapos. Hindi lahat ng nakapagtapos ay nabigyan ng pagkakataong kumuha ng bord eksam.

Kaya’t sa natitirang mga araw bago ang pagsusulit, habang kumukuha ng pagsusulit, at pagkatapos kunin ang pagsusulit, ugali-ing palaging magpasalamat. 

Magpasalamat ka sa iyong mga kaibigan at kakalase -sila ang tumulak sa iyo na magpatuloy noong mga pagkakataong gusto mo nang huminto sa sobrang hirap at pagod nang pagmemedisina.

Magpasalamat ka sa iyong mga pasyente, mga seniors, mga residente, at iyong mga guro. Malaking bahagi ng nalalaman mo ngayon ay dahil sa kanila.

Magpasalamat ka sa iyong mga magulang -nandito ka ngayon dahil sa kanila.

Magpasalamat ka kay Sir Broli at sa team ng Topnotch -malaki ang naitulong nila sa pagrerebyew mo para sa eksam. Kahit hindi ka man nag-enrol, alam naman nating lahat nagpafotoks ka ng Topnotch Notes (aminin! Bawal magsinungaling bago ang boards, baka hindi i-“bless” lol)

Magpasalamat ka sa Maykapal. Lahat ng meron tayo ngayon ay galing sa Kanya.

 

Papasa ka.

Maniwala ka sa sarili mo. Lahat ng hirap at pagod na iyong naranasan sa paaralan…

Lahat ng pagpupuyat mo sa ka-aaral habang kumukuha ng vital signs q15 ng iyong mga pasyente para lang makapaghanda sa morning endorsements…

Lahat ng mga okasyon sa pamilya na hindi ka naka-atend, lahat ng pagtatampo niyo ng iyong mahal sa buhay…

Lahat ng iyon ay humubog at naghanda sa iyo para sa pagsusulit na ito.

Kaya’t maniwala ka, papasa ka.

 

Hinihintay ka na.

Naghihintay sa iyo ang mga buhay na iyong masasalba… ang mga tatay, nanay, at anak na iyong mapapangiti… ang mga estudyanteng naghihintay na iyong maturu-an, ang mga problemang pangkalusugan na kayang kaya mong mabigyan ng solusyon.

Naghihintay sa iyo ang Pilipinas. Ang Pilipinas nating mahal. 

 

Isang linggo na lang. Huwag kang kabahan. Magpasalamat. Papasa ka. Hinihintay ka na.

 


Sa lahat nang kukuha ng bord eksam ngayong Setyembre, sinasama ko kayo palagi sa aking mga panalangin.

God be with you always. 

 

13512024_238036856589138_5729562435631896213_n

Pic c/o Internet.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s